MANILA, Philippines — Patuloy na iginigiit ng Public Estates Authority Tollway Corp. (PEATC) na dapat na ito ang nangangasiwa sa toll collection sa Manila-Cavitex Expressway (Cavitex).
Sinabi ni Ariel Inton, ang PEATC spokesman, na ilang beses na ring kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang paghawak ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC), sa pamamagitan ng Cavitex Infrastructure Corp. (CIC), sa toll collection sa Cavitex.
Dagdag pa ni Inton, sa 2018 audit observation report ng COA hinanap sa PEATC ang kanilang hiwalay na mga transaction record sa operations at maintenance ng naturang expressway.
Aniya, bago napagtibay ang joint venture partnership ng PEATC at CIC noong 2006, may sariling record of revenues and expenses ang una at dahil sa revenue sharing partnership, tanging ang huli na lamang ang may records ng toll collection.
Ipinagtataka din ng PEATC ang katuwiran ng MPTC at CIC na hindi pa bayad ang una sa puhunan sa Cavitex.
Dagdag pa nito, sa hatian, P2,582,206,817 lamang ang kinita ng PEATC, samantalang P28,504,930,328 naman sa CIC hanggang noong nakaraang taon.
Kinuwestiyon din ni Inton ang pagkakapasok ng MPTC sa proyekto na government to government project at hindi Public-Private Partnership o PPP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.