Pagtaás ng toll sa NLEX pasado na sa TRB

By Jan Escosio May 30, 2024 - 03:29 PM

PHOTO: North Luzon Expressway STORY: Pagtaás ng toll sa NLEX pasado na sa TRB
Ang North Luzon Expressway (NLEX). —INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Simulâ sa darating na ika-4 ng Hunyo, tataás ang singil na toll sa mga motorista na dadaan sa North Luzon Expressway (NLEX).

Inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang ikalawang petisyón para sa pagtaas ng toll ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC).

Nasa P5 hanggang P17 ang madadagdag sa bayad ng mga motorista mulâ Balintawak hanggang Marilao — ang open system.

Ang close system namán sa tollway ay mulâ Bocaue, Bulacan hanggáng Sta. Ines sa Mabalacat, Pampanga, kasama na ang Subic-Tipo at karagdagang P27 hanggang P81 ang sisingilín depende sa urì ng sasakyán.

Ang toll hike ay naging “installment” dahil itó ay dapat na ipinatupád noón pang 2019 at 2021.

TAGS: NLEX toll rate hike, toll regulatory board, NLEX toll rate hike, toll regulatory board

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.