Go nagbigáy ng P200,000 sa bawat Alas Pilipinas player, coach

Alas Pilipinas volleybal team
Nagdiwang ang mga player ng Alas Pilipinas matapos makuha ang bronze medal ds AVC Challenge Cup 2024. —File photo na kuha ni Marlo Cueto ng INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Hinandogán kailán lang ni Sen. Christopher “Bong” Go ng P200,000 ang bawat isa sa 14 na player at siyam na miyembro ng coaching staff ng Alas Pilipinas women’s volleyball team.

Ayon kay Go, ang regalo ay para sa pagkapanalo ng koponan ng bronze medal sa  Asian Volleyball Challenge Cup na idinaos dito sa bansâ kamakailán.

Sabi pa ni Go ang pera ay ambág na rin niyá sa paghahandá ng koponan sa papalapít na International Volleyball Federation Challenger Cup, na idaraos din dito sa Pilipinas simulâ sa susunód na linggó.

BASAHIN: Parangál sa Alas Pilipinas hinilíng ni Sen. Joel Villanueva

BASAHIN: Baon ng Pinoy athletes sa 2024 Paris Olympics ibinilin ni Go

“Itong financial support from PSC [Philippine Sports Commission] … ay para makatulong sa kanilá. Pero ang importante dito ay ang drive to win. At stake dito ang ating flag, ang ating bayan. Lagi kong sinasabi sa kanilá na give your best,” aniya.

Dagdag pa ni Go, na namumunò sa Senate Commitee on Sports: “Karangalan po yun para sa ating bayan kaya dapat po ma-increase po ang suporta at incentives mula sa gobyerno para sa ating atleta. Maliít na halagá yan kumpará sa kaniláng hirap at sa karangalan na daladalá nilá habang-buhay para sa ating bayan.”

Una nang nagbigáy ng tulong-pinansiyál si Go sa mga atletang Filipino na sasabak sa papalapit na 2024 Paris Olympics.

Read more...