Parangál sa Alas Pilipinas hinilíng ni Sen. Joel Villanueva
METRO MANILA, Philippines — Nais ni Sen. Joel Villanueva na mabigyan ng karagdagang parangál ang Alas Pilipinas matapos nitóng masungkít ang bronze medal sa katatapos na 2025 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup,
Inihain ni Villanueva ang Senate Resolution No. 1042 upang kilalanin ang kauna-unahang medalya ng Pilipinas sa torneo simulâ noóng 1961.
Sinabi ng senadór na sa kabilâ ng maigsíng panahón na makapaghandâ, ipinamalas ng Alas Pilipinas ang kaniláng galíng at determinasyón sa isang linggóng torneo.
BASAHIN: Pilipinas nakapagtala na ng unang panalo sa AVC Asian Cup
BASAHIN: Ramil de Jesus, itinalagang head coach ng PH women’s national volleyball team
“Ang tagumpáy na itó ay patunay ng kaniláng sipag, dedikasyón, at hindí matitinag na diwà ng ating mga atleta, coaches, at buóng support team,” sabi pa nito.
Waláng talo sa elimination round ang Alas Pilipinas, bago yumukô sa Kazakhstan sa semi-finals at nakuha ang bronze medal nang talunin ang Australia.
Samantala, sa susunód na buwán ang Alas Pilipinas Men’s Volleyball team namán ang sasabak sa katulad na torneo sa Bahrain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.