METRO MANILA, Philippines — Susundín ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang payo sa kanyá ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na huwág dumaló sa gagawíng pagdiníg sa Kámara ukol sa ikinasáng kampanyá kontra droga ng nakaraáng administrasyon ni Rodrigo Duterte.
Sinabi ng senador, na dating hepe ng Philippine National Police (PNP), na kung siyá lamang masúsunod ay nais niyáng humaráp sa House Committee on Human Rights, ngunit kailangan niyáng sundín ang payo ni Escudero.
Umamin si Dela Rosa na siyá ang lumapit kay Escudero para humingi ng payo sa nararapat niyáng gawín sakaling imbitahán siyá ng Kámara.
BASAHIN: Abalos ibinida tagumpay ng Marcos drug war sa UN convention
Ániya, ipinaliwanag sa kanyá ni Escudero na ang pagharáp niyá sa Kámara ay maituturing na pagbalewalâ sa “inter-parliamentary courtesy.”
Walâ pang imbitasyán kay Dela Rosa para humarap sa komité.
Iimbestigahán ng komitá ang mga pagpatáy at pang-aabuso na iniuugnáy sa kampanyá kontra droga ng adninistrasyong Duterte.