De Lima nararapat na makabalík sa Senado – Escudero

PHOTO: Leila de Lima STORY: De Lima nararapat na makabalík sa Senado – Escudero
Former Sen. Leila de Lima —File photo na kinuha ni Niño Jesus Orbeta, Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Nararapat lamang na makabalík sa Senado si Leila de Lima, sabi ni Senate President Francis Escudero sa kanyang pahayág nitóng Martés, isáng araw matapos ibinasura sa korte and pangatló at hulíng drug case na sinampá laban sa dating senadora.

Ayon kay Escudero, bagamát hindí niyá alám ang planong pulitikál ng dating senadora sa 2025 midterm elections, nais niyáng manalo siyá kung sakaling maisipan niy´ng sumabak mulî sa senatorial race.

BASAHIN: Hulíng drug case ni Leila de Lima ibinasura na ng korte

Kasabáy nito ang pagpuri ng senador sa ipinakitang katapangan at determinasyón ni De Lima sa pagharáp sa tatlong niyáng kaso.

Pinabilíb din aniya siyá ng dating senadora dahil sa paniniwalâ sa rule of law sa kabilâ ng pinagdaanán nitó.

 

Read more...