$19-B na foreign investments na hakot ni Marcos nagbubunga na

PHOTO: President Ferdinand Marcos Jr. STORY: $19-B na foreign investments na hakot ni Marcos nagbubunga na
Pangulong Ferdinand Marcos Jr. —File photo mulá sa Presidential Communications Office

METRO MANILA, Philippines — Nagsimulâ nang magbunga ang mga foreign investments — na nasa $19 na bilyón — na nahatak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang mga biyahe sa iba’t ibáng bansâ, ayon sa pahayag nitóng Martés ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ang pondo ay hawak na raw ng investment promotion agencies (IPAs).

Ayon kay Trade Secretary Federico Pascual ang kabuuáng bilang ng mga proyekto ay 65 — at 12 dito ay nasimulán na. Ang 21 ay  nairehistro na sa Board of Investments (BOI) at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) at ang 32 ang inaasikaso na ang rehistro sa DTI.

BASAHIN: Angara: Tatak Pinoy Act magiging daan ng maraming “foreign investments”

BASAHIN: Senators: Ph bukas na sa “foreign businesses,” hindi na kailangan ang Cha-cha

Dinagdág pa ni Pacual na ang halagá ng mga pamumuhunan sa bansâ ay mas mataás sa naiulat niya na $14 na bilyón noóng nakaraáng taón.

Ang nasimuláng 12 proyekto raw ay nagkakahalagá ng $327 na milyón, samantalang $1.6 na bilyón namán ang halagá ng mga naaprubahán ng BOI at PEZA at $17 na bilyón namán ang inirerehistro na sa IPAs.

Hanggáng ngayóng buwan ng Hunyo, may 231 proyekto na ang may plano, kabilang ang mga sasailalim sa public-private partnership — at ang mga itó ay may kabuuáng halagá na $61 na bilyón.

Read more...