Di na ipapahayág ang mga resupply mission sa BRP Sierra Madre

By Jan Escosio June 24, 2024 - 04:28 PM

PHOTO: Gilberto Teodoro Jr. STORY: Di na ipapahayág ang mga resupply mission sa BRP Sierra Madre
Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. —File photo kuha ni Noy Morcoso, INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Hindí na ipapahayág ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang schedule ng mga rotation and resupply mission nitó sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ito ang inanunsiyó ni Defense Secretary Gilbert Teodoro nitóng Lunes.

Ayon kay Teodoro, ang pagbawì sa naunáng inihayág ni Executive Secretary Lucas Bersamin ay base sa pakikipag-usap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga tropa sa AFP Western Command sa Palawan noong nakaraáng Sábado.

BASAHIN: Mga barko ng PH, China nagbangaan malapit sa Ayungin Shoal

BASAHIN: Resupply sa Ayungin tagumpáy kahit pa nakialám ang China – AFP

Dagdág pa ng kalihim, napagtantó nilá na hindí aksidente ang nagíng komprontasyón ng mga tauhan ng Philippine Navy at China Coast Guard kamakailán, kung saán nasaktan ang ilang tropang Filipino.

Aniya, napagkasunduán nilá na nagíng agresibo at gumamit na ng puwersa ang mga tauhan ng China Coast Guard, kayat isang tauhan pa ng Philippine Navy ang naputulan ng dalirì.

Nilinaw din ng Malacañang na ang pahayág ni Bersamin ay “initial assessment” lamang.

 

TAGS: BRP Sierra Madre, Gilberto Teodoro Jr., resupply mission, BRP Sierra Madre, Gilberto Teodoro Jr., resupply mission

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.