Resupply sa Ayungin tagumpáy kahit pa nakialám ang China – AFP
METRO MANILA, Philippines — Sa kabila nang pakiki-alam ng China Coast Guard, matagumpáy na naisagawâ ang resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, ayon sa pahayág nitóng Martés ni Col. Francel Padilla, tagapagsalitâ ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Marami pa rin ang mga kagamitán na naipadalá dahil mabilis na nabantayán itó ng mga tauhan ng AFP matappos ang isinagawáng airdrop ng Philippine Navy.
Ayon pa kay Padilla, ang panibagong panghihimasok ng CCG ay nailagáy sa panganib ang kaligtasan ng mga sundalong Filipino.
BASAHIN: Resupply mission ng AFP sa Ayungin Shoal, tuloy sa kabila ng panggugulo ng China
BASAHIN: Tolentino nabastusan sa pahayag ng China sa Ph resupply mission sa Ayungin Shoal
Samantala, sinabi ng Navy chief na si Vice Adm. Toribio Adaci Jr. na nararapat lang kondenahín ang ginawâ ng CCG.
“Ang mga bagay na itó [ay] pagkain at gamót para sa mga tropa. Hindí magandá na pagkaitán mo ng kaniláng pagkain at gamót ang sino man,” aniya.
Gayunpaman, hindí raw itó magiging dahilán para itigil nilá ang pagsasagawâ ng mga resupply mission sa Ayungin Shoal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.