4 na Chinese warships namataán sa Palawan, ayon sa AFP
METRO MANILA, Philippines — Apat na Chinese warships ang namataán sa Balabac Strait sa Palawan, ayon sa tagapagsalitâ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Col. Xerxes Trinidad.
Agád naman daw siláng rumesponde at kinuwestyón ang presensiya ng mga barkong pandigma ng China sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.
Pinaliwanag ni Trinandad na ang Balabac Strait ay karaniwan namán na dinadaanan ng mga international vessels.
BASAHIN: Mga barko ng PH, China nagbangaan malapit sa Ayungin Shoal
BASAHIN: AFP kikilos na laban sa ‘no trespassing’ policy ng China sa WPS
Aniya, ang destroyer Luyang at frigate Jiangkai ng China People’s Liberation Army ay namataan ala-1:49 ng hapon noong nakaraang Miyerkules sa distansiyang 12 nautical miles mulâ sa Palawan.
Makalipas ang dalawang oras, nakita naman ang destroyer Renhai at oiler Fuchi.
Sinabi ni Trinidad na ang paggawâ nila ng mga kinauukulang hakbáng ay pagtupád sa mandato ng AFP na bantayán at protektahán ang teritoryo at soberenya ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.