METRO MANILA, Philippines — Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kahandaán niyá sa posibleng mga epekto ng La Niña.
Sinabi ni ni Leo Quintilla, ang special asssistant to the secretary (SAS) for Disaster Response, na nakipag-ugnayan na silá sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) para sa gagawín niláng mga hakbáng.
Aniya, noóng nakaraáng buwán ay nagpatawag na si Social Welfare Secretary Rex Gatchalian ng preparedness meeting kasama ang Pagasa at naipaliwanag ang mga maaaríng magíng epekto ng La Niña.
BASAHIN: Posibleng mas mapinsalà pa ang La Niña kaysa El Niño – DA
BASAHIN: La Niña maaring humatak ng mas maraming bagyo sa Q4 – DOST
Binanggít ni Quintilla na ipatutupád nilá ang Buóng Bansâ Handâ (BBH) disaster preparedness program para matiyák na magkakaroón ng sapát na supláy ng mga kakailanganing gamit at pagkain.
Ipinaliwanag niyá na ang BBH ay isang istratehiya ng kagawarán para tiyakín na sapát ang kaniláng mga supláy.
Dagdág pa ni Quintilla, sa ngayón ay mayroón na siláng 1.5 milyóng family food packs para ipamahagi sa mga lokál na pamahalaán, partikulár na ang mga nasa geographically isolated and disadvantaged areas.
Patuloy din aniya ang paghahandâ nilá ng food packs sa kaniláng mga pangunahing “production hubs.”