Marcos walâ pang napipiling kapalít ni VP Duterte sa DepEd

PHOTO: Sara Duterte and Ferdinand Marcos Jr. STORY: Marcos walâ pang napipiling kapalít ni VP Duterte sa DepEd
Vice President Sara Duterte at President Ferdinand Marcos Jr. —File photo mulá sa Facebook page ni Marcos

METRO MANILA, Philippines — Walâ pang ipapalít si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Vice President Sara Duterte sa Department of Education (DepEd), ayon sa pahayág nitóng Huwebes ni Presidential Communications Seretary Cheloy Garafil.

Wala pang napipilî kahit magsisilbíng officer-in-charge sa DepEd kapág nilisan ni Duterte sa ika-19 ng Hulyo ang binitawang posisyón.

BASAHIN: VP Sara Duterte nagbitíw na bilang DepEd chief

Ayon kay Garafil, magpapatuloy pa rin na pamumunuan ni bise president ang DepEd sa ngayón.

Kahapon ipinaalám ni bise presidente sa Malacañang ang kanyang resignasyón sa gabinete ni Marcos.

Sinabi niyá na nagbitíw siyá bilang pagmamalasakit sa mga gurô at estudyanteng Filipino.

Read more...