Ex-Gov. Pryde Teves inaresto sa kasong kaugnáy sa terorismo

PHOTO: Pryde Henry Teves STORY: Ex-Gov. Pryde Teves inaresto sa kasong kaugnáy sa terorismo
Former Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves —File photo mulâ sa Facebook page ng Governors League

METRO MANILA, Philippines — Naisilbi ng mga tauhan ng PNP – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kay dating Negros Oriental Gov. Pryde Henry Teves ang warrant of arrest sa kinahaharáp nitóng mga kaso na may kaugnayan sa terorismo.

Sa paunang impormasyón, mga 8:15 a.m. ng Huwebes, ika-20 ng Hunyo, nang arestuhin si Teves sa Barangay Taclobo, Dumaguete City.

Siyá ay nahaharáp sa mga kasong paglabág sa Terrorism Financing Prevention and Suppresion Law.

May naitakdâ nang P200,000 na piyansa para kay Teves, na kapatid ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.

Nabatíd ng Radyo Inquirer na ang magkapatíd na Teves ay itinuturing na mga most wanted person sa lalawigan at rehiyon.

Read more...