METRO MANILA, Philippines — Pinalagán ni Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac, ang panibagong pagpapalabás ni Sen. Sherwin Gatchalian ng mga dokumento ukol sa kanyá.
Kasabáy nitá ang kanyáng hamon sa senadór na patunayan ang nilalamán ng mga karagdagang dokumento na mulâ sa Board of Investments (BOI) at Bureau of Immigration (BI).
Hinamon din niyá si Gatchalian na patunayan ang mga alegasyón ukol sa kanyáng iná.
BASAHIN: Mayor Alice Guo itinanggíng sangkót sa money laundering ang amá
BASAHIN: Mga magulang ni Mayor Alice Guo walá na raw sa Pilipinas
Iginiít ni Guo na si Amelia Leal ang kanyáng tunay na ina at Alice Leal Guo ang kanyang tunay na pangalan at hindi Guo Hua Pung, na sinasabi ni Gatchalian.
Idinagdág pa niyá na ang tanging hawak niyá ay Philippine passport, bukód sa legál na mga negosyo at ari-arian sa bansâ.
Ikinatwiran pa ni Guo na nanalo siyá noong 2022 elections, patunay na lehitimo siyang residente ng Bamban, at aniya may mga probisyón ang Saligang Batás at iba pang mga batás para ibase ang nationality sa “jus sanguinis.”
Tiwala siyá na sa dakong hulí ay papanig sa kanyá ang hustisya at haharáp siyá sa mga pagdiníg hanggáng paglilitis para mapatunayan na siyá ay tunay na Filipino.