Mayor Alice Guo itinanggíng sangkót sa money laundering ang amá

By Jan Escosio June 05, 2024 - 06:51 PM

PHOTO: Alice Guo STORY: Mayor Alice Guo itinanggíng sangkót sa money laundering ang amá
Bamban Mayor Alice Guo (Larawan mula sa Facebook page ni Sen. Risa Hontiveros)

METRO MANILA, Philippines — Inalmahán ni Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac ang alegasyón na sangkót ang kanyáng amá sa money laundering.

Sumulat si Guo sa Senate Committee on Women and Children, na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros, at ipinagdiinan na lehitimong negosyante ang kanyáng amá.

Aniya, ang mga negosyo ng amá ay hindí lamang sa Pilipinas kundí mayroón din sa ibáng mga bansâ.

BASAHIN: Bamban Mayor Alice Guo sinuspindí ng Office of the Ombudsman

BASAHIN: Mga magulang ni Mayor Alice Guo walá na raw sa Pilipinas

Dumatíng ang sulat ni Guo nitóng Miyerkulés sa kalagitnaan ng executive session ng komité, kung saan tinatalakay ang mga detalye ng operasyón na pagsalakay sa Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa Bamban noong nakaraá ng Marso.

Sabi pa niyá na embroidery ang pangunahing negosyo ng amá at matagál na itóng nasimulán sa bansâ.

Sa kanyáng sulat, mariíng itinanggí ng alkalde na nagpabayâ siyá sa kanyáng trabaho bilang halál na opisyal kaya nagkaroón ng ilegál na POGO sa kanyáng bayan.

Paliwanag pa niyá, binigyán niyá ng permit ang Zun Yuan dahil kumpleto ang mga dokumento nitó kasama na ang permit mulaâ namán sa Philippine Amusement and Gaming Corp.

Pinaninindigán din niyá na ang kanyáng iná ay si Amelia Leal, isáng Filipina at hindí ang binabanggít na Lin Wen Yi.

Inamin niyá na si Lin ay kinakasama at business partner ng kanyáng amá.

Umapilá din siyá sa mga senadór at magíng sa públiko na pakinggán din ang kanyáng mga paliwanág at huwág agád siyáng husgahán.

Nasasaktán na din aniya siyá sa paratang na siyá ay espiya ng China.

TAGS: Alice Guo, illegal POGO, Alice Guo, illegal POGO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.