Bagong dokumento ukol kay Alice Guo nakalkál ni Gatchalian

By Jan Escosio June 19, 2024 - 03:52 PM

Sherwin Gatchalian with Alice Guo document
Sen. Sherwin Gatchalian with a new document allegedly showing the identity of Mayor Alice Buo of Bamban, Tarlac. (INQUIRER.net photo)

METRO MANILA, Philippines — Nakahalukay si Sen. Sherwin Gatchalian ng panibagong dokumento na maaaring magbunyag ng tunay na pagkatao ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sinabi ni Gatchalian na ang karagdagang dokumento ay mulâ sa Board of Investments (BOI) at itó ay ang aplikasyón ng pamilyang Guo para sa Special Investors Resident Visa (SIRV).

Hinalà ng senador na ang Guo Hua Ping na nasa aplikasyon ay si Mayor Guo.

BASAHIN: Alice Guo pumalág kay Gatchalian ukol sa mga bagong dokumento

BASAHIN: Magíng alerto sa POGO, bilin ni Abalos sa mga lokál na opisyál

Sabi pa ni Gatchalian na may larawan din ng batang Guo sa dokumento, kung saan nakasaad na pumasok ito ng Pilipinas noóng ika-12 ng Enero 2003 sa edad na 13.

Ipinaliwanag niyá na, kung mapapatunayan na iisá si Guo Hua Ping at Mayor Guo, ang tunay na kapanganakan niyá ay ika-31 ng Agosto 1990 kayát lumalabás na 34 anyos lamang ito.

Sa isinumiténg birth certificate ni Guo sa Senado, nakasaad na siya ay ipinanganak noong ika-12 ng Hulyo 1986.
Lumutang din na ang kanyáng nanay ay si Lin Wenyi, na una na rin ibinunyág ni Gatchalian.

TAGS: Alice Guo, Philippine offshore gaming operator, Sherwin Gatchalian, Alice Guo, Philippine offshore gaming operator, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.