Magíng alerto sa POGO, bilin ni Abalos sa mga lokál na opisyál

By Jan Escosio June 18, 2024 - 03:03 PM

PHOTO: Benhur Abalos
Interior Secretary Benhur Abalos (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Magmatyág ng mga negosyo, lalo na yung mga Philippine offshore gaming operator (POGO), sa inyóng barangáy, bayan, or siyudád at tiyakín na lehitimo ang mga itó.

Itó ang bilin ni Interior Secretary Benhur Abalos nitóng Martés sa ang mga lokál na opisyál.

Aniya, kung may pagdududa ang mga opisyál kailangan ay agád siláng makipag-ugnayan sa mga awtoridád.

BASAHIN: Revilla, Estrada naalarma sa China PLA uniforms sa POGO hub

BASAHIN: Pagcor dapat isará na ang mga ilegál na POGO – Jinggoy Estrada

Binanggít din ng kalihim na hanggang 400 aplikasyón para sa operasyón ng POGO ang tinanggihán ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) at ang mga ganyán ang dapat bantayán ng mga pamhalaáng lokál.

“So you could just imagine, ‘yung hindi mo napagbigyán ng permit, nasa Pilipinas pa ‘yung ibá dyán at malamáng na gumagawâ ng illegal activities,” aniya.

Ayon kay Abalos, 43 POGOs na lang ang may permit mulâ sa Pagcor at linggo-linggó ang pagsisiyasat sa mga itó.

Kamakailán, isang POGO hub sa Porac, Pampanga ang nadiskubréng “scam farm.”

TAGS: benhur abalos, illegal POGO, Philippine offshore gaming operator, benhur abalos, illegal POGO, Philippine offshore gaming operator

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.