Military drill ng China Navy sa loób ng PH EEZ susuriín ng DFA

By Jan Escosio June 14, 2024 - 05:09 PM

PHOTO: Facade of the Department of Foreign Affairs STORY: Military drill ng China Navy sa loób ng PH EEZ susuriín ng DFA
Facade of the Department of Foreign Affairs (File photo from the Official Gazette)

METRO MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga gagawíng hakbáng kaugnáy sa napaulat na military drill ng China People’s Liberation Army (PLA) Navy sa loób ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ito ang sinabí ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kahapóng Huwebes matapós makipagpulong kay Hungarian Foreign Minister Péter Szijjárto.

Ayon kay Manalo, aalamín muna ng DFA ang mga detalye at pakay ng military exercise.

BASAHIN: AFP kikilos na laban sa ‘no trespassing’ policy ng China sa WPS

BASAHIN: Philippine Navy nakabantay sa China drills malapit sa Taiwan

Unang ibinahagi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang obserbasyón na dumami ang namataán na Chinese military vessels at ang tila pagsasagawâ ng “naval drill” sa Sabina Shoal noong ika-2 hanggang ika-4 ng Hunyo.

Samantala, sinabi ni Manalo na sa pag-uusáp nilá ni Szijjárto kabilang sa natalakay ang sitwasyón sa South China Sea.

Aniya nagkasundô silá na ang anumáng gagawing hakbáng ay dapat nakabase sa mga pandaigdigang-batás, partikular na ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

TAGS: Department of Foreign Affairs, PH exclusive economic zone, PH-China relations, West Philippine Sea, Department of Foreign Affairs, PH exclusive economic zone, PH-China relations, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.