METRO MANILA, Philippines — Ibinahagì ng Department of Migrant Workers (DMW) nitóng Martés ang pangakò ng may-arì ng Liberian-flagged bulk carrier MV Tutor na hahanapin ang nawawaláng tripulanteng Filipino.
Ayon sa DMW, nakipagpulong na ang Embahada ng Pilipinas sa Greece sa may-arì ng MV Tutor.
Nabatíd ng Radyo Inquirer na ang search operation ay sisimulán kapág ligtás nang nakabalík ang barkó.
BASAHIN: Umuwíng 21 seafarers may tig-P150,000 kay Romualdez, misis
Unang inanunsiyo ng gobyerno ng Estados Unidos na isáng Filipino ang nasawî sa pag-atake ng Houthi rebels sa MV Tutor noóng ika-12 ng Hunyo.
Sakáy ng barkó ang 22 Filipinong marino at tanging 21 lamang sa kanila ang nakauwî sa bansâ kahapong Martés matapos mailigtás ng US Navy.