Dapat isaulí bayad sa mga tren na galing Dalian – Senator Tulfo

PHOTO: Raffy Tulfo STORY: Dapat isaulí bayad sa mga tren na galing Dalian – Senator Tulfo
Sen. Raffy Tulfo —File photo mulá sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Dahil hindí namán mapapakinabangan, ang mga tren na inangkát pa mulâ sa Dalian Corp. sa China ay dapat na sigurong isaulí na lang, ayon kay Sen. Raffy Tulfo.

Sa ganitong paraán, ayon sa senador, ay maibabalík din ang ibinayad para sa naturang mga tren.

Binisita ni Tulfo ang MRT 3 depot kahapong Martés at nanlumò nang makitang balót na sa alikabók ang binilíng mga bagong tren.

BASAHIN: Higit 129-M sumakay sa MRT 3 noong 2023

Sinisí niyá ang administrasyón ni Benigno Aquino III  sa pagbilí ng mga tren kahit hindí namán angkóp sa sistema ng MRT 3.

Idiniín din ni Tulfo, na namumun ng sa Senate Committee on Public Services, na kung ipipilit ang mga naturang tren, mas malakí ang karagdagang gastos na aabót sa P2 bilyón kada taón.

Inanunsiyó na rin niyá na magpapatawag ng pagdiníg sa pagbubukás mulî ng sesyón ng Kongreso sa Hulyo para matukoy ang mga dapat managót.

Read more...