Hontiveros tutol sa taás-singíl ng kuryente dahil sa mga aberyá

PHOTO: Composite image merging electricity bill and power company worker STORY: Hontiveros tutol sa taás-singíl ng kuryente dahil sa mga aberyá
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Tamaan namán kayó ng hiyâ.

Itó ang mensahe ni Sen. Risa Hontiveros sa Department of Energy (DOE) at sa mga kompanyá ng kuryente.

Ayon kay Hontiveros, hindí dapat payagan at hayaan na magtaás ng singíl sa kuryente dahil sa mga kapalpakán sa sistema.

“Kapág ang jeep nga nasiraan, binabalík ng driver sa mga pasahero ang bayad. Tapos ang DOE at power companies palpák na nga, magdadagdág singíl pa imbés na managót sa taumbayan. Kauntíng hiyâ namán pò,” sabi pa ng senadora.

BASAHIN: P392 ibabawas sa bayad sa kuryente ng Meralco

BASAHIN: ERC sana pumayag sa hulugán na bayad ng kuryente – Gatchalian

Dagdág pa niyá, nabigô ang DOE at mga kompanyá ng kuryente na paghandaán ang mga epekto ng El Niño sa mga planta ng kuryente.

Idiniín niyá na hindí makatuwiran at hindí makatarungan na pagbayarin ang mga konsyumer sa kabilâ ng mga kapalpakán.

Aniya, sa pag-iimbestigá ng Senado sa krisis sa kuryente nabunyág ang kabiguan ng DOE na maglatag ng contingency plan, gayundín ang kakulangán ng kakayahán ng Energy Regulatory Commission na suriin ang kapasidád ng mga planta.

Read more...