ERC sana pumayag sa hulugán na bayad ng kuryente – Gatchalian

By Jan Escosio May 30, 2024 - 02:27 PM

PHOTO: Composite image merging electricity bill and power company worker STORY: ERC sana pumayag sa hulugán na bayad ng kuryente – Gatchalian
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Hinilíng ni Sen. Sherwin Gatchalian sa Energy Regulation Commission (ERC) na atasan ang mga mga kompanyá ng kuryente na magpatupád ng installment basis sa pagbabayad ng kaniláng mga kustomer.

Ang hirit ni Gatchalian ay bunsód ng biglaang pagtaás ng presyo ng kuryente.

Aniya noóng kasagsagan ng pandemya ng COVID-19, pinalawig ng mga kompanyá ang pagbabayad ng electric bill na waláng multá at interés.

BASAHIN: Meralco tataas singil sa kuryente ngayon buwan ng Mayo

BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito

“Bigyan ng option ang mga consumers natin na magbayad ng staggered payment. Noong pandemic, natatandaean ko, umabot pa nga ng mga two or three months yung staggered payments,” sabi ni Gatchalian.

Base sa obserbasyón ni Gatchalian, may mga konsyumer na naapektuhá ang budget dahil sa biglaang pagtaás ng presyo ng  kaniláng kuryente.

Binahagi niyá na may mga konsyumer na tumaaá ng hanggáng 50% ang konsumo sa kuryente dahil sa tag-inít.

TAGS: electric bills, Energy Regulatory Commission, Sherwin Gatchalian, electric bills, Energy Regulatory Commission, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.