‘Delikadong init’ sa 25 lugar, ulán sa Palawan, Mindoro, C. Luzon
METRO MANILA, Philippines — Patuloy na makakaranas ng “dangerous heat indices” ang 25 lugár sa anim na rehiyón ngayóng araw ng Martés, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ang pinakamataás na maitatalâ, base sa pagtatayâ ng Pagasa, ay 47°C — at itó ay sa Aparri, Cagayan. Samantala, 46°C naman ang inaasahan sa Tuguegarao City sa nasabi ring lalawigan.
At narito ang iba’t ibáng temperatura naman sa iba’t ibáng lugar:
45°C
- Echague, Isabela
- Dagupan City, Pangasinan.
44°C
- NAIA, Pasay City
- Laoag City, Ilocos
- Bacnotan, La Union
- Baler (Radar), Aurora
- Cubi Point, Subic Bay, Olongapo City
- Legazpi City, Albay
- Masbate City, Masbate
- Central Bicol State University for Agriculture, Pili, Camarines Sur
43°C
- Science Garden, Quezon City
- Calayan, Cagayan
- Clark Airport (DMIA), Pampanga
- Central Luzon State University, Muñoz, Nueva Ecija
- Casiguran, Aurora
42°C
- Sinait, Ilocos Sur
- Mariano Marcos State University, Batac, Ilocos Norte
- Itbayat, Batanes
- Basco (Radar), Batanes
- Nueva Vizcaya State University, Bayombong, Nueva Vizcaya
- Ambulong, Tanauan, Batangas
- Tanay, Rizal (Radar)
- Daet, Camarines Norte
Ang mga “angerous heat indices” ay mulâ 42°C hanggáng 51°C.
BASAHIN: Posibleng mas mapinsalà pa ang La Niña kaysa El Niño – DA
BASAHIN: La Niña maaring humatak ng mas maraming bagyo sa Q4 – DOST
Samantala, maaaríng makaranas na pag-ulán ang Palawan, Occidental Mindoro, Zambales, at Bataan ngayóng araw dahil sa habagat.
Posible din ang kalat-kalát na pag-ulán sa Metro Manila, Zamboanga Peninsula, Western Visayas, Cavite, Laguna, Batangas, at ilang bahagi ng Mimaropa (Mindoro, Masbate, Romblon, at Palawan).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.