Posibleng ulanín ang Metro Manila, S. Luzon, at W. Visayas

PHOTO: Pagasa weather update graphic STORY: Posibleng ulanín ang Metro Manila, S. Luzon, at W. Visayas
INQUIRER.net FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Maaaríng magdulot ngayóng Lunes ng pag-ulán ang habagat sa Metro Manila, kanlurang bahagì ng Southern Luzon, at Western Visayas, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Bukód sa Western Visayas, ang Palawan din ay magiging maulap at makakaranas ng pag-ulán.

Kalát-kalát na pag-ulán na may pagkulóg at pagkidlát namán ang inaasahan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas, at natitirang bahagi ng Mimaropa.

BASAHIN: Posibleng mas mapinsalà pa ang La Niña kaysa El Niño – DA

BASAHIN: La Niña dapat paghandaan na ng DPWH, MMDA – Revilla

Babalâ ng Pagasa, kung magiging malakás ang pag-ulán, maaaríng magdulot itó ng pagbahâ at pagguhò ng lupà.

Waláng masamáng panahón na binabantayán ang Pagasa sa loób ng Philippine area of responsibility.

Read more...