METRO MANILA, Philippines — Inaasahan ngayóng Lunes ng hapon ang pagdatíng sa bansâ ng mga labî ng tatlóng overseas Filipinio workers (OFW) na kabilang sa mga nasawî sa sunog na tumupok sa isang residential na gusai sa Kuwait noóng nakaraáng ika-12 ng Hunyo.
Bukód dito, inaasahan din ang pagdatíng sa hapon ng 21 Filipino seafarers na nailigtás mulâ sa MV Tutor, na inatake ng mga Houthi rebel sa Red Sea.
Itó ang pahayag kahapóng Linggo ng Deparment of Migrant Workers.
Sumailalim pa sa debriefing ang mga Filipino seafarer bago ang kaniláng pagbabalík sa Pilipinas.
BASAHIN: DMW minamadalî ang pag-uwî ng 3 nasawíng OFW sa Kuwait fire
BASAHIN: 11 na OFW apektado sa nasunog na gusalì sa Kuwait
Naasikaso na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga kinakailangang dokumento sa pagtanggáp sa mga labî ng tatlóng OFW ng kaniláng mga pamilya.
Nagbigáy na rin ang OWWA ng paunang tulong sa mga naulilang pamilya.