Philippine Navy nakabantay sa China drills malapit sa Taiwan

By Jan Escosio May 24, 2024 - 04:58 PM

PHOTO: Philippine flag on Mavulis Island STORY: Philippine Navy nakabantay sa China drills malapit sa Taiwan
Ang bandera ng Pilipinas sa ibabaw ng Mavulis Island sa Batanes na siyang pinakamalapit na parte ng Pilipinas sa Taiwan. (File photo mula sa opisina ni Sen. Francis Tolentino)

METRO MANILA, Philippines — Nakatutok ang Philippine Navy sa Taiwan dahil sa isinasagawáng military exercises ng China.

Katuwiran ni Vice Adm. Toribio Adaci Jr., ang Navy chief, anuman ang mga kaganapan sa paligid ng Pilipinas ay kailangan obserbahan dahil sa mga maaríng magíng epekto nito sa bansâ.

Base sa mga naglabasang ulat, nagpatuloy ang joint military drills ng Chinese People’s Liberation Army sa paligid ng Taiwan.

Ayon sa tagapagsalita ng PLA Eastern Theater Command ang pagsasanay ay may kinalaman sa paglulunsád ng mga pag-atake at pagkubkob sa mga krusyál na lugár.

Ang Mavulis Island ang pinakamalapit na bahagì ng Batanes sa Taiwan sa distansiyang 140 km lamang sa pinakadulo ng timog bahagì ng Taiwan.

TAGS: China military drills, PH-China relations, philippine navy, China military drills, PH-China relations, philippine navy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.