METRO MANILA, Philippines — Nagpaliwanag nitóng Huwebes si Senate President Francis “Chiz” Escudero ukol sa isang bahagi ng pagtitipon sa Malacañang Palace kahapong Miyerkulés.
Kumalat sa social media ang isáng video nang pagtatagpô nilá ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa Vin d’ Honneur kasabáy nang paggunitâ ng ika-126 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Sinabi ni Escudero na naging maginoó lamang siyá – isang lalaking inasikaso lang ang isang babae.
BASAHIN: First Lady Liza Marcos sips from Escudero’s wine glass at Vin d’Honneur
BASAHIN: Kalayaan nakikita sa pagharáp sa araw-araw na hamon – Marcos
“Maaring sabihin ng ibá na makalumà o parang “under,” pero para sa akin, hindí kailanmán magiging makalumà o di uso — anumán ang itawag ng ibá — ang pagiging maginoó at pakikipag-kapwa tao,” ang tugon ni Escudero ng hingián ng Senate media ng reaksyon sa pangyayari.
Sa video, mapapanood na kinuha ng Unang Ginang ang hawak na wine glass ni Escudero, sandaling ininom ang lamán, bago isinoli ang wine glass sa senador.
Umani at patuloy na inuulán ng magkakaibáng puná, reaksyón, at opinyón ang pangyayari mulâ sa netizens.