Kalayaan nakikita sa pagharáp sa araw-araw na hamon – Marcos

By Jan Escosio June 12, 2024 - 02:46 PM

PHOTO: Ferdinand Marcos Jr. Independence Day rites at Rizal Monument STORY: Kalayaan nakikita sa pagharáp sa araw-araw na hamon – Marcos
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ika-126 na taón na paggunitâ ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Rizal Monument sa Maynila nitóng ika-12 ng Hunyo 2024. —Larawan mulâ sa Facebook page ng Presidential Communications Office

METRO MANILA, Philippines — Ngayon ika-12 ng Hunyo, sa paggunitâ ng bansa ng ika-126 Araw ng Kalayaan, pinurî ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga Filipino sa kanyáng mensahe.

Sinabi ni Marcos na ang tunay na diwà ng kalayaan ay makikita sa bawat Filipino sa kaniláng araw-araw na pakikibaka at pagharáp sa mga hamon ng buhay.

Binanggít niyá ang mga magsasaká, mangingisdâ, sundalo, at gurô na aniya ay nagpapakita ng katatagán, dedikasyón, at pagtitiyagâ.

Aniya nagbabago man ang panahón, hindí nagbabago ang mga pakikibaka kayát tiwalaà siyá na kailanmán ay hindí magpapa-apî ang mga Filipino.

BASAHIN: Maghandâ sa ‘external threats,’ utos ni Marcos sa AFP Nolcom

BASAHIN: Credible defense posture ng AFP napakahalaga giit ni Ejercito

Pinangunahán ni Marcos ang paggunitâ sa Araw ng Kalayaan sa Rizal Park Monument sa Maynila.

Kasabáy niyá ang mga katulad na seremonya sa Emilio Aguinaldo Shrine sa  Cavite; Barasoain Church Historical Landmark sa Malolos City, Bulacan; Pinaglabanan Memorial Shrine sa San Juan City; Mausoleo delos Veteranos dela Revolucion sa Manila North Cemetery; Andres Bonifacio National Monument sa Caloocan City; at sa Museo ng Kasaysayang Panlipunan ng Pilipinas sa Angeles City, Pampanga.

Ang tema ng pambansáng selebrasyón ngayóng taón ay “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan” — at itó ay ayon Bagong Pilipinas campaign ng administrasyón.

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., independence day, Ferdinand Marcos Jr., independence day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.