METRO MANILA, Philippines — Tatlóng araw bago siyá dapat bumalík sa puwestó, sinuspindí ulít ng Malacañang ng 30 araw pa si Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib.
Si Jubahib mismo ang nag-pahayág kamakailán ng bagong utos ng Malacañang.
Ipinaliwanag niyá na dapat ay noóng nakaraang Lunes, ika-10 ng Hunyo siyá dapat bumalík sa kanyáng opisina matapos ang 60 araw na suspensyón, ngunit noong Biyernes, ika-7 ng Hunyo, ibinabâ ng Malacañang ang bagong order.
BASAHIN: Bohol governor, 68 pang ibá sa Chocolate Hills issue suspendido
BASAHIN: Bamban Mayor Alice Guo inapilá ang kanyáng suspensyón
Ang basehan ng suspensyón ay ang diumano’y pagsuporta ng gobernador sa kilos-protesta laban sa Northern Davao Electric Cooperative (NorDeCo).
Inamin ni Jubahib na tutol siyá sa NorDeCo dahil sa mababang kalidád ng serbisyo nitó at madalás na pagkawalâ ng kuryente sa lalawigan.
Aniya hamón sa kanyá ang bagong suspensyón dahil pinanindigán at ipinaglaban niyá ang karapatán ng kanyáng mga kababayan.