METRO MANILA, Philippines — Tinukoy ni Sen. Alan Peter Cayetano ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagkakaantalà sa konstruksyon ng bagong Senate building sa Taguig City.
Sinabi ni Cayetano kahapong Miyerkulés na sumulat na siyá kay Senate President Francis “Chiz” Escudero at binanggít na simulâ pa lang ng proyekto ay nagkaroón na ng mga pagbabago sa naaprubaháng plano.
Ang DPWH ang project manager ng ginagawang gusalì ng Senado.
BASAHIN: Baká lumobo gastos sa tigil-trabaho sa Senate building – Binay
BASAHIN: Tigil muna konstruksyón ng bagong Senate building – Escudero
Ipinagtaká ni Cayetano na pinayagan ang mga pagbabago gayúng ang pagpapatayô ay isáng “design and build” na proyekto.
Ipinaliwanag niyá na nangangahulugán na nabigô ang DPWH na sumunód sa “terms of reference” ng proyekto.
Bukód pa dito, napuná ng Senate Coordination Committee na may mga binilí na ang DPWH na hindí pa kailangan sa proyekto.
Nalaman din na bumagal ang paggawâ dahil sa kawalán ng koordinasyón sa loób mismo ng DPWH ukol sa mga dokumento kayát humingî ng palugit ang contractor.