METRO MANILA, Philippines — Hanggáng sa unang 1,000 araw lamang ang ibibigáy na ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga buntís, nagpapasuso, at may dalawáng taóng gulang na anák.
Nilinaw itó ni Social Welfare Sec. Rex Gatchalian nitóng Huwebes.
Ayon sa kanyá, layunin ng bagóng insentibo na mahikayat ang mga buntís at nagpapasuso na samantalahín din ang mga serbisyong pangkalusugan, at nang sa ganoóng paraan matugunán ang problema sa malnutrisyón at hindi pagtangkad ng mga batâ.
BASAHIN: Nagreklamo sa kapos na TUPAD aid inimbitahan ni Mayor Francis Zamora
BASAHIN: Automatic adjustments sa 4Ps na ayuda pinag-aaralan ng DSWD
Inatasan daw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. and DSWD na palawakin pa ang pagtulong sa mga buntíss at nagpapasuso, lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan, base na rin sa kaniláng rekomendasyón.
Nilinaw din ni Gatchalian na ang ayuda ay pansamantalá at hanggáng sa unang 1,000 araw lamang o halos tatlóng taón.
Inatasan na ni Marcos ang DSWD na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, partikular na sa National Economic and Development Authority (NEDA) at Philippine Statistics Authority (PSA), para mas mapagbuti ang pagpapatupád ng bagong programa sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).