Nagreklamo sa kapos na TUPAD aid inimbitahan ni Mayor Francis Zamora

By Jan Escosio February 29, 2024 - 07:54 PM

Handang harapin at pakinggan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang may reklamo sa ayuda mula sa TUPAD ng DOLE. (MAYOR FRANCIS ZAMORA FB PHOTO)

Nais ni San Juan City Mayor Francis Zamora na makaharap ang dalawa niyang kalungsod na inireklamo ang kulang na tulong-pinansiyal mula sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers.

Inimbitahan ni Zamora ang nagreklamo kay Sen. Raffy Tulfo na magtungo sa kanyang opisina para personal na maidulog sa kanya ang reklamo.

Ayon pa kay Zamora titiyakin niya na makakaharap nila ang mga kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD), pambansang pulisya o National Bureau of Investigation (NBI) para mapalagay aniya ang loob ng nagreklamo.

Pagtitiyak pa ng alkalde na agad na aaksiyonan ang reklamo ng kanyang kalungsod.

Ito rin ang pagtitiyak niya sa isa pang nagreklamo sabay diin na hindi niya kukunsintihin ang mga maling gawain.

“Narinig ko din po na nabanggit ang tanggapan ng Mayor ng San Juan sa usapin na ito. Nakakalungkot na madali para sa ilan na magbintang ng walang patunay o basehan maliban sa sabi-sabi o hearsay,” ani Zamora.

Dagdag pa nito: Malinis po ang aking konsensiya at lalong bukas ang aking tanggapan na sagutin ang anumang isyu na ibinabato sa akin sa ngalan ng tunay na paglilingkod o ng dahil lamang sa politika.”

TAGS: ayuda, scam, ayuda, scam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.