METRO MANILA, Philippines — Nasa 11 na overseas Filipino workers (OFWs) ang naapektuhan sa nasunog na gusali sa Kuwait, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na tatlóng mga OFW ang nasaktán at isinugod sa ospitál.
Bukód pa dito, bineberipiká na ang napa-ulat na nawawalá ng limang OFW.
Inatasan na ni Cacdac ang Migrant Workers Office sa Kuwait na makipag-ugnayan sa mga ospitál para malaman kung may naisugod doón na limáng OFWs.
Sa hulíng impormasyín mulâ sa Interior Ministry ng Kuwait, 49 na ang nasawî sa insidente.
Nagsimulâ ang sunog mga 4:30 ng madalíng araw kahapong Miyerkules sa gusalì sa Mangaf City.
Nabatíd ng Radyo Inquirer na marami sa mga nanunuluyan sa gusalì ay mga banyagang manggagawà.