Koalisyón kinondená WPS fishing ban sa China Consular Office

By Jan Escosio June 04, 2024 - 09:29 PM

PHOTO: Protesters against WPS fishing ban by China STORY: Koalisyón kinondená WPS fishing ban sa China Consular Office
Nag-protesta laban sa fishing ban ng China sa West Philippines Sea ang mga miyembro ng Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya nitóng Martés, ika-4 ng Hunyo 2024. —Kuha ni Jan Escosio, Radyo Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Kinalampág ng Alyansa Bantay Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) ang Consular Office ng China sa Makati City nitóng Martés, ika-4 ng Hunyo para kondenahin ang pagpapatupad ng China ng fishing ban sa isáng bahagi ng West Philippine Sea sa kabilâ na malinaw itóng nasa loób ng teritoryo ng Pilipinas.

Sinabi ni RJ Villena, ang tagapagsalita ng ABKD, na hindi na makatao ang mga ginagawâ ng China dahil lubós na maaapektuhán ang kabuhayan ng mga mangingisdang Filipino kung silá ay pagbabawalan na mangisdâ sa West Philippine Sea, lalo na sa Scarborough Shoal at Panatag Shoal.

Dagdág pa niyá, ang pagbabawal sa pangingisdâ ay magpapaningas pa ng hustó sa tensiyon ng sitwasyón sa WPS.

BAHAGI: Navy, Air Force tulóy WPS patrol sa gitnâ ng China fishing ban

Aniy, hindí papansinín ng mga mangingisdang Filipino ang utos ng China at nangangambâ siyá para sa kaligtasan ng mga kababayan niyá.

Sa hulíng bahagì ng kaniláng ng kilos-protesta, pinunit ng mga miyembro ng koalisyón ang kopya ng kautusán ng China para ipakitá ang kaniláng mariíng pagtutol dito.

TAGS: China fishing ban, maritimei dispute, PH-China relations, West Philippine Sea, China fishing ban, maritimei dispute, PH-China relations, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.