METRO MANILA, Philippines — Ngayon ika-12 ng Hunyo, sa paggunitâ ng bansa ng ika-126 Araw ng Kalayaan, pinurî ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga Filipino sa kanyáng mensahe.
Sinabi ni Marcos na ang tunay na diwà ng kalayaan ay makikita sa bawat Filipino sa kaniláng araw-araw na pakikibaka at pagharáp sa mga hamon ng buhay.
Binanggít niyá ang mga magsasaká, mangingisdâ, sundalo, at gurô na aniya ay nagpapakita ng katatagán, dedikasyón, at pagtitiyagâ.
Aniya nagbabago man ang panahón, hindí nagbabago ang mga pakikibaka kayát tiwalaà siyá na kailanmán ay hindí magpapa-apî ang mga Filipino.
BASAHIN: Maghandâ sa ‘external threats,’ utos ni Marcos sa AFP Nolcom
BASAHIN: Credible defense posture ng AFP napakahalaga giit ni Ejercito
Pinangunahán ni Marcos ang paggunitâ sa Araw ng Kalayaan sa Rizal Park Monument sa Maynila.
Kasabáy niyá ang mga katulad na seremonya sa Emilio Aguinaldo Shrine sa Cavite; Barasoain Church Historical Landmark sa Malolos City, Bulacan; Pinaglabanan Memorial Shrine sa San Juan City; Mausoleo delos Veteranos dela Revolucion sa Manila North Cemetery; Andres Bonifacio National Monument sa Caloocan City; at sa Museo ng Kasaysayang Panlipunan ng Pilipinas sa Angeles City, Pampanga.
Ang tema ng pambansáng selebrasyón ngayóng taón ay “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan” — at itó ay ayon Bagong Pilipinas campaign ng administrasyón.