WPS Victory Day, studies center suportado ng Atin Ito Coalition
METRO MANILA, Philippines — Sinusuportahán ng Atin Ito Coalition ang dalawáng panukalà na magkahiwaláy na inihain sa Kongreso na may kaugnayan sa mga isyung bumabalot sa West Philippine Sea (WPS) .
Ayon kay Fr. Edicio dela Torre, co-convenor ng Atin Ito Movement, napakahalagá ng panukalang batás ni Sen. Risa Hontiveros na magtatakdâ sa tuwíng ika-12 ng Hulyo bilang National West Philippine Sea Victory Day.
Ang araw na yung ang pinilì dahil noong ika-12 ng Hulyo 2016 pinaborán ng Permanent Court of Arbitration ang Pilipinas sa pakikipag-agawán ng teritoryo sa China.
Sinabi ni Dela Torre na ang panukalà ay magsisilbíng paalala sa bawat Filipino na sa naturang napagpatibáy ang pag-angkín ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
BASAHIN: Koalisyón kinondená WPS fishing ban sa China Consular Office
BASAHIN: Navy, Air Force tulóy WPS patrol sa gitnâ ng China fishing ban
Samantala, may panukalang batás namán sa Kamara si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na layuning magtatág ng Center for West Philippine Sea (WPS) Studies.
Ayon kay Dela Torre, magandá ang layunin ng panukalang batás dahil magkakaroón ng isáng ahensya ng gobyerno na ang mandato ay nakasentro lamang sa isyu sa WPS, kasama na ang pagsasampá ng anumáng kaso hanggaág sa prosekusyón.
Kinatigan din ni Dela Torre ang Blue Economy bill sa Senado, na kabilang sa mga prayoridád na panukalang batás ng administrasyóng Marcos.
Ayon kay Dela Torre, sa panukalà, hindí lamang ang mga naturál na yaman sa lupâ ng bansâ ang pauunlarín kundi magíng ang mga yamang-dagat ay gagamitin para sa pagpapa-unlád ng ekonomiya ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.