Pulis na nakapatay kay Jemboy Salazar guilty sa homicide

By Jan Escosio February 27, 2024 - 03:53 PM

FILE PHOTO

Nasentensiyahan na ang pulis na itinuturong nakapatay sa 17-anyos na si Jemboy Salazar sa Navotas City noong nakaraang taon.

Ngunit ang iginawad sa sentensiya kay PSSg Gerry Maliban ay hindi sa kasong murder kundi sa homicide lamang.

Sa 44-pahinang desisyon ni Regional Trial Court (RTC) Pedro Abu Jr., ginawaran ng apat na taon hanggang anim na taon na pagkakakulong si Maliban.

Inatasan din siya na bayaran ang mga naulila ng binatilyo na P100,000 bilang danyos.

Nasentensiyahan naman ng apat na buwan na pagkakakulong dahil sa illegal discharge of firearms ang mga kapwa pulis ni Malibana na sina PEMS Roberto  Balais Jr., PSSg Nikko Pines  Esquillon, PCpl Edward Jade  Blanco, at Pat. Benedict Mangada.

Napawalang sala naman si PSSg Antonio B. Bugayong Jr., dahil sa kabiguan ng testigo na kilalanin siya na may kinalaman sa pagkakabaril kay Salazar noong Agosto 2, 2023 habang naglilinis ng bangka kasama ang isang kaibigan.

Naituro si Salazar sa mga pulis na may hinahabol na suspek sa pagnanakaw.

 

TAGS: homicide, navotas, homicide, navotas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.