Utos ng korte kailangan para ibalík nahatak na kolorum na PUV

PHOTO: Land Transportation Office facade with LTO logo superimposed STORY: Utos ng korte kailangan para ibalík nahatak na kolorum na PUV
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Kahit bayaran ng operator ang multá, hindi niyá agad mababawì ang kanyáng nahuling kolorum na public utility vehicle (PUV) hanggáng waláng utos ng isáng korte.

Ito ang pahayág ni Land Transportation Office (LTO) Chairman Vigor Mendoza nitóng Miyerkulé.

Bahagì raw ito ng pinahigpít na kampanya ng LTO laban sa mga kolorum na PUV dahil sa tuluyang pagdami ng mga itó sa Metro Manila at mga katabí nitóng mga lalawigan.

BASAHIN: DOTr naubusan na ng paliwanag ukol sa PUVM Program

BASAHIN: Polisiya, ruta ukol sa PUVMP dapat malinaw na – Poe

Umaangal na rin ang mga lehitimóng mga operator at mga driver na 30 porsiyento sa kaniláng kita ang nawawalaâ dahil sa mga kolorum.

Inatasan din ni Mendoza ang mga regional director, district director, at unit chief ng LTO na agád magsampá ng mga kasong kriminál pagkatapos magsagawâ ng operasyón laban sa mga kolorum.

Mulâ P200,000 para sa van hanggang P1 milyon para sa bus ang multá sa kolorum na pamamasada.

Read more...