Polisiya, ruta ukol sa PUVMP dapat malinaw na – Poe

By Jan Escosio March 08, 2024 - 10:20 PM

Sen. Grace Poe umaasa na magkakaroon ng serye ng diyalogo ukol sa PUVMP.

Umaasa si Senator Grace Poe na magbubukas ang pagbasura ng Korte Suprema sa petisyon kontra PUV Modernization Program ng mga diyalogo sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at transport groups.

“As the legal procedure presses on, we expect intensified efforts from the Department of Transportation (DOTr) to dialogue with transport groups to address issues on implementation,” pahayag ni Poe.

Sabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Public Services na dapat ay malinaw na ang mga panuntunan, mga ruta at iba pang kritikal na isyu kaugnay sa programa.

Dapat aniya ay maipaliwanag at linawin ng mga ahensiya ang bentahe ng modernong sistema ng pampublikong transportasyon.

“At stake is not just the livelihood of thousands of drivers, but the safety and convenience of our commuters in this modernization being pushed by the government,” sabi pa ng senadora.

Aniya inirerespeto niya ang desisyon ng Korte Suprema at may karapatan naman ang transport group na umapila.

 

TAGS: dotr, PUVMP, dotr, PUVMP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.