DOTr naubusan na ng paliwanag ukol sa PUVM Program

By Jan Escosio June 10, 2024 - 06:57 PM

PHOTO: Jeepneys in Dagupan City STORY: DOTr naubusan na ng paliwanag ukol sa PUVM Program
Jeepneys in Dagupan City, one of Ilocos region’s business centers. —File photo na kuha ni Willie Lombiao, Inquirer Northern Luzon

METRO MANILA, Philippines — Naniniwalà ang Department of Transportation (DOTr) na dumatíng na sa hangganan ang  pangungumbinsí nitó sa mga transport group na tutol sa Public Transport Modernization Program (PUVMP).

Ayon kay Transportation Undersecretary Andy Ortega naubusan na silá ng paraán  para magkaroón ng kasunduan sa mga grupo.

Aniya iláng beses na siláng nakipag-usap, partikulár na sa Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON), at iláng beses na rin pinalawig ang deadline simulâ noóng nakaraáng taón ngunit waláng nangyari.

Aniya sinubukan din niláng humanap ng mga solusyón sa mga inilatag sa kanilá na mga isyu.

Kaya namán ngayóng araw ng Lunes, huhulihin na ang  mga kolorum na mga PUV. At may multá na P50,000 ang operator, isáng taón na suspensyón sa driver, at pagkaka-impound ng unit ng hanggáng 30 araw.

Sasabayán itó ng kilos protesta ng PISTON at Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon (MANIBELA) hanggang sa Miyerkules, ika-12 ng Hunyo.

TAGS: department of transportation, Public Utility Vehicle Modernization Program, department of transportation, Public Utility Vehicle Modernization Program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.