Utos ng korte kailangan para ibalík nahatak na kolorum na PUV
METRO MANILA, Philippines — Kahit bayaran ng operator ang multá, hindi niyá agad mababawì ang kanyáng nahuling kolorum na public utility vehicle (PUV) hanggáng waláng utos ng isáng korte.
Ito ang pahayág ni Land Transportation Office (LTO) Chairman Vigor Mendoza nitóng Miyerkulé.
Bahagì raw ito ng pinahigpít na kampanya ng LTO laban sa mga kolorum na PUV dahil sa tuluyang pagdami ng mga itó sa Metro Manila at mga katabí nitóng mga lalawigan.
BASAHIN: DOTr naubusan na ng paliwanag ukol sa PUVM Program
BASAHIN: Polisiya, ruta ukol sa PUVMP dapat malinaw na – Poe
Umaangal na rin ang mga lehitimóng mga operator at mga driver na 30 porsiyento sa kaniláng kita ang nawawalaâ dahil sa mga kolorum.
Inatasan din ni Mendoza ang mga regional director, district director, at unit chief ng LTO na agád magsampá ng mga kasong kriminál pagkatapos magsagawâ ng operasyón laban sa mga kolorum.
Mulâ P200,000 para sa van hanggang P1 milyon para sa bus ang multá sa kolorum na pamamasada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.