Free legal aid ng SC para sa mahihirap pinurì ni Rep. Herrera

PHOTO: Facade of the Supreme Court STORY: Free legal aid ng SC para sa mahihirap pinurì ni Rep. Herrera
Ang harap ng Korte Suprema —File photo mulá sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Pinurì ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera ang pagbibigáy ng libreng legal assistance ng Supreme Court sa mga mahihirap na Filipino.

Sinabi ni Herrera, na miyembro ng Bagong Henerasyon Party-list, na matitiyak sa Unified Legal Aid Services (ULAS) program na magíng mga mahihirap ay pwede nang makinabang sa dekalidád na serbisyong legál.

Inatasan ni Chief Justice Alexander Gesmundo na ang lahát ng mga abogado ay magbigáy ng 60 na oras na libreng serbisyong legál sa mga mahihirap kada tatlóng taón habang silá ay aktibo pa sa abogasiya.

Kabilang sa mga maaaring benepisyaryo ng programa ang mga nongovernmental at nonprofit organization na may mga kasong kaugnáy sa mga pampublikong interés.

BASAHIN: Free legal aid center pinasimulan ni Sen. Francis Tolentino

BASAHIN: Scholarship para sa mga nais maging abogado itinutulak ni Villanueva

Kapuri-purì, ayon kay Herrera, ang ginawâ ni Gesmundo at ng Korte Suprema para sa reporma sa sistemang pang-hustisya sa bansâ.

Nabatíd ng Radyo Inquirer na tinatapos na lamang ang mga alituntunin ng programa bilang bahagi ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027.

Ipinialiwanag ni Gesmundo na layunin ng programa na magíng madalî ang proseso sa pagbibigáy ng serbisyong legál sa mga mahihirap.

Ayon pa kay Herrera, napapagtibay ng programa ang mandato ng mga abogado na pagsilbihán ang publiko.

Read more...