Baká lumobo gastos sa tigil-trabaho sa Senate building – Binay

PHOTO: Nancy Binay STORY: Baka lumobo gastos sa tigil-trabaho sa Senate building – Binay
Sen. Nancy Binay —File photo mula sa Senado

METRO MANILA, Philippines — Nagbabalâ si Sen. Nancy Binay nitóng Martés na maaaring mas lumakí pa ang gastos sa pagsuspindí ng konstruksyón ng bagong Senate building sa Taguig City.

Pinaliwanag ni Binay na dahil sa utos ni Senate President Francis Escudero magkakaroón ng pagbabago sa mga gastusin, bayad sa upa, at posibleng multá.

Suportado namán aniya ang nais ni Escudero na mapababà ang mga gastusin.

Himutók lamang ni Binay, sana ay kinausap siyá ni Escudero para naipaliwanag niyá ang lahát ng mga pinagkagástusan na sa magiging bagong tahanan ng mga senadór.

BASAHIN: Tigil muna konstruksyón ng bagong Senate building – Escudero

BASAHIN: Nancy Binay 70% na posibilidad na tumakbong Makati mayor

Si Binay ang nangasiwà sa konstruksyón bilang datíng namumunò sa Senate Committee on Accounts.

Kahapon, nang inanunsyo ni Escudero ang pagpapatigil sa konstruksyón, nilinaw niyá na waláng iimbestigahán ukol sa mga gastusin at wala din siyáng naiiisip na may dapat panagutín sa paglobo ng gastusin mula P8.9 na bilyon na naging higit P12 na bilyon.

Umapilá na lamang si Binay na bilisán ang pagrebyu sa gastusin, na isasagawa ni Sen. Alan Peter Cayetano bilang bagong pinunò ng naturang komité.

Read more...