Scholarship para sa mga nais maging abogado itinutulak ni Villanueva

By Jan Escosio January 17, 2023 - 10:59 AM

OSJV PHOTO

Naghain ng panukala si Senate Majority Leader Joel Villanueva para magkaroon ng scholarship sa mga nais maging abogado.

Paliwanag ni Villanueva layon ng kanyang Senate Bill 1639 na maamyendahan ang RA 7662 o ang Legal Education Reform Act of 1993 para magkaroon ng probisyon  para sa pagkakaroon ng ‘Legal Scholarship and Return Service Program.

Aniya, nag-ugat ang kanyang panukala sa kanyang obserbasyon na nangangailangan ng mas maraming ‘public defenders’ sa bansa dahil ang Public Attorney’s Office (PAO) ay mayroon lamang 2,500 abogado sa buong bansa.

Sa kanyang panukala, ang mga scholar na magiging abogado ay kailangan na magsilbi sa PAO o sa ibang ahensiya ng gobyerno katumbas ng taon ng kanyang scholarship.

Umaasa si Villanueva na sa ganitong pamamaraan ay maraning estudyante ang mahihikayat na mag-aral ng abogasiya.

 

TAGS: abogado, PAO, scholarship, abogado, PAO, scholarship

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.