Classroom cellphone ban bill inihain ni Gatchalian sa Senado
METRO MANILA, Philippines — Inihain na ni Sen. Sherwin Gatchalian ang panukalang batás na magbabawal sa paggamit ng cellphone at iba pang electronic gadgets tuwing oras ng klase.
Naniniwalà si Gatchalian na sa pamamagitán ng kanyang Senate Bill No. 2706 — ang panukalang Electronic Gadget-Free Schools Act — makakapag-focus na ang mga mag-aarál sa mga leksyón nilá.
Aniya sakop ng kanyáng panukalà ang mga mag-aarál mulâ kindergarten hanggang senior high school sa public at private schools.
BASAHIN: Expansion ng voucher system nakikitang solusyon ni Gatchalian sa classroom congestion
BASAHIN: ERC sana pumayag sa hulugán na bayad ng kuryente – Gatchalian
Magíng ang mga gurô ay pagbabawalan na gamitin ang kaniláng electronic gadgets tuwing oras ng klase.
Binanggít ni Gatchalian na, ayon sa pag-aaral na ginawâ ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2022, waló sa bawat 10 mag-aarál na may edad na 15 ang hindi makapag-concentrate sa pag-aarál dahil sa paggamit ng smartphone.
Sa paggamit ng smartphone sa klase, naapektuhán ang mga grado ng mga bata sa Math, Science at Reading.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.