60 anyos na babae sinagpáng ng buwaya sa Palawan

By Jan Escosio June 07, 2024 - 12:10 PM

PHOTO: Map of Palawan STORY: 60 anyos na babae sinagpáng ng buwaya sa Palawan
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Binitbit pa ng isáng kilometro ng isang buwaya ang bangkáy ng isang 60-anyos na babae na sinagpáng nitó bago ito iniwan sa Bataraza, Palawan.

Pinaniniwalaan na inatake at sinagpáng si Monelba Sarriol ng Barangay Malitub habang ito ay naglalabá sa gilid ng ilog noóng umaga ng Miyerkules, ika-5 ng Hunyo.

Isang kapitbahay ang nakakita na kagat-kagát ng buwaya ang biktima, na natagpuán dalawang oras matapos ang pag-atake.

BASAHIN: Bata inatake ng buwaya sa Palawan

BASAHIN: Mag-ama, inatake ng buwaya sa Palawan

Noón lamang nakaraang ika-25 ng Mayo, napatay din ng isáng buwaya ang 18-anyos na si Normelito Siplan habang inaayos ang kanyáng bangkâ sa Barangay Sapà sa Batarza rin.

Dahil sa dalawáng insidente, pinag-iingat ng pamahalaáng panglalawigan ang mga residente ng mga lugár na malapit sa mga ilog.

TAGS: crocodile attack, crocodile attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.