Mag-ama, inatake ng buwaya sa Palawan

By Angellic Jordan May 20, 2018 - 09:54 AM

Inatake ng buwaya ang mag-ama sa bayan ng Balabac, Palawan.

Kwento sa MIMAROPA police ni Karik Asli Buara, batang biktima, hinahanda nila ang motor banca sa kanilang bahay malapit sa baybayin ng dagat sa Sitio Dumaga, Barangay Salang para mangisda nang bigla siyang inatake at kinagat ng buwaya bandang 2:00, Sabado ng hapon.

May habang 15 talampakan ang buwaya.

Narinig ng ina ang sigaw ng 15-anyos na biktima kung kaya’t agad ginising ang ama na si Rosmin para sagipin ng anak.

Nakagat din ng buwaya si Rosmin habang sinasagip ang anak kaya’t sinaksak na ng ama ang mata ng buwaya kaya nakawala ang bata.

Naisugod naman sa pinakamalapit na rural health unit ang mag-ama para mabigyan ng lunas.

TAGS: crocodile attack, Palawan, crocodile attack, Palawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.