Bata inatake ng buwaya sa Palawan

By Noel Talacay September 27, 2019 - 11:32 AM

Inatake ng buwaya ang isang 11-anyos na batang lalaki sa Sitio Tagpanasan, Brgy. Salang, Balabac, Palawan.

Ayon sa biktima, habang papauwi sila ng nakakatandang kapatid na babae sakay ng bangka mula sa kanilang seaweed farm.

Bigla na lang umanong umatake ang buwaya at kinagat ang kaniyang kamay.

Himalang nakaligtas ang bata at isinugod agad ito sa Rural Health Unit ng Balabac para bigyang lunas ang natamo niyang sugat.

TAGS: Balabac, buwaya, Palawan, Salang, Balabac, buwaya, Palawan, Salang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.