METRO MANILA, Philippines — Maraming mga kabataan sa bansâ ang waláng trabaho, kayát naghain ng panukalang batás si Sen. Imee Marcos upang gawíng kaakit-akit sa kanilá ang sektór ng agrikultura.
Inihain ni Marcos ang Senate Bill No. 180 para sa pagtatatág ng Young Farmers and Fisherfolk Challenge Program at ng Young Farmers and Fisherfolk Challenge Council.
Pinaliwanag ni Marcos na ang layunin ng kanyang panukalà ay mabigyán ng solusyón ang mga problema ng mga kabataan sa kanayunan at mahikayat silá na makibahagì sa mga programa para ika-uunlad ng kaniláng lugár.
BASAHIN: Agri chief Kiko Laurel Jr. ilalapít ang agrikultura sa mga kabataan
BASAHIN: Bagong Pilipinas ng PBBM-admin magpapalago sa agrikultura – Rep. Nazal
Nais aniya niyáng mahikayat ang mga kabataan na kumuha ng mga kurso o mag-aral na may kaugnayan sa agrikultura upang magíng bahagì silá sa pagkakaroón ng seguridád sa pagkain sa bansâ.
Magiging benepisaryo aniya ng programa ang mga magsasaká at mangingisdá mulâ edád 13 hanggáng 30.
Magiging bahagì ng programa ang iláng kinauukulang ahensya ng gobyerno, magíng ang Sangguniáng Kabataan sa mga barangay.