Agri Chief Kiko Laurel Jr. ilalapit ang agrikultura sa mga kabataan

By Jan Escosio December 05, 2023 - 03:55 PM

 

Ibinahagi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang kanyang plano na ilapit at gawing kaakit-akit sa mga kabataan o bagong henerasyon ang agrikultura.

Sinabi ito ni Tiu Laurel Jr., sa pagharap niya sa Commission on Appointments (CA) para sa kanyang ad interim appointment.

Aniya tinitingnan niya na hamon ang mga problema na bumabalot sa kagawaran at binabalak niya na gawin ang kanyang mga nagawa ng halos 30 taon para mapalago ang negosyo ng kanilang pamilya.

“I shall apply these lessons to serve our larger family of the Filipino people. Mahalaga ang tamang pagbasa ng paligid.Awareness of what’s going on around us allows us to make quick, and sound decisions. For what’s happening on ground, kailangan ng constant communication sa ating mga magsasaka’t mangingisda. For the big picture, ibabalik natin ang pagkuha ng tamang datos at statistics. Nagbubunga ang tyaga,” ani Tiu-Laurel.

Mahalaga din aniya na natutugunan ng gobyerno sa tamang panahon ang mga pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda sa usapin ng pagpapa-utang sa kanila, teknolohiya at kung saan nila mailalako ang kanilang mga produkto.

Binabalak din aniya niya na humingi din ng tulong sa mga eksperto para mapalago at mapagbuti pa ang sektor ng agrikultura.

“We will get the help of biologists, data scientists, and academics in dealing with avian flu, African swine fever, red-tide poisoning, as well as disease-resistant varieties, El Niño-adaptable seeds, and organic fertilizer. We will tap national and even international law enforcers in stopping food hoarders, price manipulators, and smugglers,” sabi pa ng kalihim.

Binanggit nito na ang bilin sa kanya ni Pangulong Marcos Jr. ay linisin ng mga tiwali ang kagawaran at mapataas ang produksyon ng mga pagkain.

Malinaw ang utos ni Pangulong Bongbong Marcos— bolster food production and modernize agriculture, which is a crucial pillar in building Bagong Pilipinas.

Ang gusto niya: may sapat, masustansiya, at masarap na pagkaing mabibili sa tamang halaga ang ating mga kababayan. My vision for agriculture is to make it sustainable, profitable, and appealing to the younger generation,” dagdag pa ni Tiu-Laurel Jr.

Tinitingnan din aniya niya na mapalago ang livestock, poultry, fisheries, at high-value crops kasabay ng pagpapataas ng produksyon ng bigas.

TAGS: laurel, news, Radyo Inquirer, laurel, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.